01
Ang huling pera ko
I started Xero Claro when I was 20 years old, 2nd year college. Wala akong malaking kapital. Just the last money I had.
Instead of spending it, I took the risk. Bumili ako ng basic tools, kahit hindi ko pa fully alam kung paano gawin nang tama yung service.
No system.No experience.Walang kasiguraduhan.
02
Ang unang customer
First day ng negosyo, lumabas ako. Hinabol ko riders: Lalamove, Angkas, Grab. Pero walang pumapansin. Walang gustong magpa-clean. Walang tiwala.
Pero hindi ako tumigil.
May nakita akong isang Move It rider sa harap ng shop. Nilapitan ko siya at inalok ang pinakamurang service. Pumayag siya.
Akala ko okay na. Pero doon ko na-realize, hindi ko pala alam ginagawa ko. Hindi ko matanggal yung simpleng scratch kasi maling pads ang gamit ko: finishing pad instead of cutting pad.
₱50Pero kahit ganun, kumita ako ng unang ₱50. At doon nagsimula lahat.
03
Pag-aaralan ko lahat
Alam ko, kung ganito lang, walang mangyayari sa negosyo. So I made a decision: pag-aaralan ko lahat.
Every step.Every process.Every mistake.
I failed. A lot. Trial and error. Mali dito, mali doon. Pero natutunan ko lahat the hard way, hanggang sa nabuo ko yung sarili naming system: a process that actually works.
Unti-unti, nag-improve. Nakabili ako ng better tools, helmet racks, at mas maayos na setup.
04
Walang sweldo
Pero hindi lang skills ang problema. Dumaan din ako sa point na wala akong sweldo. Kahit may kita, hindi ko kinukuha, kasi alam ko, pag kinuha ko, mawawala ang kapital.
May time pa na mas binayaran ko pa yung tumulong sa akin kaysa sa sarili ko. Umiyak ako doon.
Pero tinanggap ko. Ganun talaga pag nagsisimula.
05
Ang pinakamalaking pagkakamali ko
Gusto kong mag-offer ng bagong service, matte to glossy conversion. Excited ako, pero hindi pa ako ready. Nasunog ko yung pintura ng helmet ng customer.
Maliit lang sana, pero dahil kinabahan ako at sinubukan kong ayusin, lalo ko siyang napalala. Doon ko natutunan ang isa sa pinaka-importanteng lesson:
Honesty over ego.
Inamin ko. At binayaran ko.
₱5,000Bumili ako ng brand new helmet para sa kanya, galing sa sarili kong pera. Masakit, pero kailangan.
06
Mga aral na hindi itinuturo sa school
Bukod pa doon, nagkamali din ako sa:
Pag-handle ng peraDesisyon sa negosyoPagpili ng tamang tao
Naranasan ko ang bad employee. At naranasan ko rin ang good ones.
But through all of that, I didn't quit.
07
Ngayon
Xero Claro is running smoothly. We have a working system, a proven process, at patuloy pa rin kaming nag-iimprove araw-araw.
At hindi na lang kami basta helmet cleaning business. We built an all-in-one helmet care system:
CleaningDisinfectingRepaintingRefoamingRepairsRestoration
Lahat, nasa iisang shop. Ito yung direction na pinili naming buuin, dahil gusto naming mas maraming problema ng riders ang kayang masolusyonan sa isang lugar.
08
Bakit ako nag-franchise
And now, I'm opening this for franchising. Not just to grow the brand, but to help more Filipinos build their own business. Because I know what it feels like:
Magsimula sa walaMagkamaliMatakotAt gustong magkaroon ng sariling negosyo